1
May isang pusa na namuhay ng isang milyong taon. Isang milyong beses na siyang namatay pero isang milyong beses din siya nabuhay muli. Siya ay isang napakagandang pusa na animo isang tigre sa hitsura. Isang milyong tao na rin ang nagmahal at nag-aruga sa kanya at ganun din ang bilang ng mga taong umiyak sa tuwing siya ay namamatay. Subalit ang pusa ay hindi naiyak para sa mga taong umaruga sa kanya. Ni minsan hindi siya naiyak.
2
Minsan nang naging alaga ng isang hari ang pusa. Mahal na mahal siya ng hari subalit ayaw naman ng pusa sa kanya. Magaling kasi ang hari sa pakikidigma kaya laging nasa mga digmaan ang hari. Sa tuwing nagpupunta sa giyera ang hari, bitbit niya ang pusa na nilalagay niya sa isang magandang kahon. Sa isang digmaan, natamaan ng palaso ang pusa na siyang ikinamatay nito. Sa gitna ng mga naglilipanang sibat at palaso at kalansing ng mga kampilan at tagak, naiyak ang hari nang makita niya ang patay niyang pusa. Itinigil ng hari ang pakikipagdigma at umuwi sa kanyang kastilyo na may pagdadalamhati. Lubos din ang dalamhati ng hari habang inililibing niya ang pusa niya sa hardin ng kanyang kastilyo.
3
Minsan din naging alaga ng isang mandaragat ang pusa. Ayaw na ayaw ng pusa sa karagatan. Pero laging dala ng mandaragat ang pusa sa lahat ng kanyang mga ekspedisyon. Dala niya ito noong nilayag niya ang Pitong Karagatan. Dala rin niya ang pusa sa mga dinadaungan niyang mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Isang araw, nahulog ang pusa sa dagat. Sinikap isalba ng mandaragat ang pusa gamit ang lambat pero namatay pa rin ito dahil hindi marunong lumangoy and pusa. Umiyak ang mandaragat habang kalong niya ang basang katawan ng alaga niya. Nagdalamhati rin siya nang inilibing niya ang pusa sa ilalim ng isang mayabong na punong-kahoy sa parke ng isang malayong pantalan.
4
Minsan ay naging alaga rin ng isang sikat na salamangkero sa circus ang pusa. Ayaw ng pusa sa mga circus. Isinasalang kasi ng salamangkero ang pusa sa tuwing ito ay nagpapakita ng kanyang mga mahika sa mga batang manonood. Inilalagay niya ang pusa sa isang kahon at kunyari hahatiin niya ang pusa at kahon gamit ang lagari. Pagkatapos ang kunyari paghati nito sa pusa at kahon, hihilain ng salamangkero ang pusa na buo pa rin ang katawan nito. Mamamangha ang mga manonood at papalakpakan nila ang pagtatanghal. Subalit sa isang pagtatanghal, aksidenteng nahati nga nang totoo ng salamangkero ang pusa. Namatay ito ora mismo. Walang masigabong palakpakan mula sa mga manonood. Ang namayani ay ang pag-iyak ng salamangkero habang hawak niya ang nahating katawan ng alaga niyang pusa. Nagdalamhati rin siya ng husto habang inililibing niya ang pusa sa likod ng circus tent.
5
Minsan ay naging alaga ng isang magnanakaw ang pusa. Ayaw na ayaw ng pusa sa mga magnanakaw. Inaakay kasi ng magnanakaw ang pusa sa tuwing ito ay napakatahimik na bumabagtas sa mga madidilim na lansangan. Ginagamit din ng magnanakaw na panlansi ang pusa sa mga aso na nagbabantay sa mga bahay na gustong nakawan ng kawatan. Habang kinakahulan at hinahabol ng mga aso ang pusa ay nilolooban naman ng magnanakaw ang bahay na binabantayan ng mga aso. Makailang beses na nagtagumpay ang magnanakaw. Subalit sa isang lakad ng magnanakaw at ng pusa ay nahuli ng mga aso ang pusa. Kinagat nila nang kinagat ang pusa hanggang sa ito ay mamatay. Walang nagawa ang magnanakaw kundi ang umiyak habang kalong nito ang durog na bangkay ng pusa kasama ang nanakaw niyang diyamante. Umiiyak pa rin siya habang binabagtas niya ang madilim na daan pauwi sa bahay niya. Nagdalamhati rin ng sobra ang magnanakaw habang inililibing niya ang namatay niyang alaga sa kanyang maliit na hardin.
6
Minsan ay naging alaga ng isang matandang babae ang pusa. Walang amor ang pusa sa mga matatandang babae. Araw-araw na kandong ng matandang babae ang pusa habang pinapanood niya mula sa maliit niyang bintana ang mga kaganapan sa kapaligiran. Sa bawat araw na kandong ng matandang babae ang pusa ay walang magawa ang pusa kundi ang matulog na lang. Sa paglipas ng panahon, tumanda at nanghina ang pusa hanggang sa ito ay mamatay. Naghinagpis ang matandang babae habang sinusubukan niyang gisingin ang lungayngay at matanda nang katawan ng namayapang pusa. Lalo pa siyang naghinagpis habang ibinabaon niya sa ilalim ng puno sa kanyang likodbahay ang pusang nakasama niya sa mahabang panahon.
7
Minsan ding naging alaga ng isang batang babae ang pusa. Ayaw na ayaw ng pusa sa mga bata. Hinehele ng batang babae ang pusa na parang sanggol. Mahigpit ding yakap-yakap ng bata ang alaga niyang pusa sa tuwing siya ay natutulog. Kapag umiiyak ang batang babae ay ginagawa rin niyang pamunasan ng luha ang likod ng pusa. Minsan, aksidenteng nasakal ang pusa sa mahigpit na pagkakatali ng kumot sa likuran ng batang babae. Umiyak nang umiyak ang bata habang bitbit niya ang lungayngay na katawan ng pusa. Umiiyak din siya habang inililibing niya ang pusa sa likuran ng bahay nila. Ngunit walang pakialam ang pusa kahit pa ito ay maghihingalo at unti-unting mamamatay.
8
Minsan ay namuhay din ang pusa na walang nag-aalaga sa kanya. Siya ay isang pusang-gala. Ito ang unang pagkakataon na pagmamay-ari ng pusa ang sarili niyang buhay at katawan. Sobra ang pagmamahal ng pusa sa kanyang sarili. At dahil siya ay isang magandang pusa na animo tigre sa hitsura, gustung-gusto siya ng maraming mga pusa. Maraming mga babaeng pusa ang nagpapapansin sa kanya sa pag-asang maging asawa nila ang pusang animo tigre sa hitsura. May ibang mga babaeng pusa na nagdadala sa kanya ng malalaking isda para kainin niya. May iba rin na nagreregalo sa kanya ng mga pinakamagandang daga na nahuhuli nila. Samantalang may iba namang mga pusang babae na nagboboluntaryong sila na lang ang mandila sa magandang balahibo ng ating bidang pusa para hindi na siya mapagod sa paglilinis ng katawan niya. Ang mga ito at marami pa ay ginawa ng maraming mga babaeng pusa para lang mabigyan niya ng kahit konting pagtingin ang mga ito. Gustong-gusto naman ng pusa ang atensiyon na nakukuha niya. Ipinagmamayabang pa niya na siya ay namatay nang isang milyong beses at ngayon ay kaya na niyang tawanan ang kamatayan. Mahal na mahal ng pusa ang sarili niya nang higit sa lahat.
9
Subalit may isang pusa na hindi tumingin o nagpapansin sa kanya. Ang pusang ito ay isang magandang pusang babae na purong puti ang balahibo. Minsan ay nagpunta ang pusang animo tigre sa puting pusa at ipinagmayabang niya dito na isang milyong beses na siyang namatay. Walang interes na sinagot lang siya ng puting pusa ng “Ganoon ba? Eh ano ngayon?” Sobra ang pagmamahal ng pusa sa sarili niya kaya nakaramdam siya ng konting galit at pagkainsulto sa kawalang interes ng puting pusa sa kanya. Araw-araw niyang binabalikan ang puting pusa at sinasabihan ng kung anu-ano tulad ng “Ito lang naman ang buhay na naranasan mo, di ba? Hindi ka pa nakaranas kahit man lang isang kamatayan.” Tahimik lang naman siyang sinasagot ng puting pusa ng litanyang gaya ng “Siguro.” Sa isang pagbisita niya, tatlong beses tumambling ang mala-tigreng pusa sa harapan ng puting pusa sabay sabi “Minsan na akong namuhay na kasama sa mga tanghalan sa circus at karnabal.” Tahimik pa rin ang putting pusa na sumagot ng “Ganoon ba?” Nakaramdam ng pagkayamot ang pusang animo tigre ang hitsura at sinimulan na naman niyang magyabang sa pagsasabing isang milyong beses na siyang namamatay. Ngunit sa huli, itinigil ng pusa ang pagyayabang niya at tahimik na lang na tinanong niya ang puting pusa kung gusto nito na maging asawa niya. “Oo” ang sagot ng puting pusa kaya simula noong araw na iyon ay naging mag-asawa na sila.
10
Nanganak ng maraming magagandang pusa ang puting pusa. Samantala, ang pusang animo tigre sa hitsura ay tumigil na sa pagyayabang na maka-isang milyong beses na siyang namatay pero namuhay muli. Ngayon kasi ay mas mahal ng pusa ang asawa niya at ang kanilang mga anak kesa sa sarili niya. Sa paglipas ng panahon, lumaki at nagsariling-buhay na rin ang mga anak ng pusa. May katuwaan at pagmamalaki na sinabi ng mala-tigreng pusa sa asawa niya na “Lumaking mga magagandang pusang-gala ang mga anak natin, di ba?” Natutuwa ring sinagot siya ng asawa niya ng “Oo.” Sa kasiyahang nararamdaman ng puting pusa ay nadidinig ang paghaging ng kanyang hininga. At kalakip ng paglipas ng panahon ay ang unti-unting panghihina ng tumatandang katawan ng puting pusa.
11
Magkatabi silang lagi at naririnig din lagi ng mala-tigreng pusa ang kuntentong paghaging ng hininga ng kanyang asawa. Mapa-araw at mapa-gabi ay magkasama sila sa pagnamnam ng kasiyahang dulot ng kuntento nilang buhay. Mapa-araw at mapa-gabi ay dinig ang humahaging na paghininga ng puting pusa na katabi lamang ng pusang noong araw ay sobra ang pagmamahal sa sarili. Hanggang sa isang araw ay wala nang marinig na haging ng paghinga ng puting pusa. Niyugyog siya ng pusang animo tigre sa hitsura subalit wala nang buhay ang matanda nang katawan ng puting pusa. Sa unang pagkakataon ay umiyak ang pusang namatay pero nabuhay din ng isang milyong beses. Mapa-araw at mapa-gabi ay umiiyak siya sa tabi ng namayapa niyang asawa. Mapa-araw at mapa-gabi ay lumuluha siya habang sinasariwa niya ang mga alaala ng buhay nilang dalawa ng puting pusa. Mapa-araw at mapa-gabi ay wala siyang naramdaman kundi ang labis na pagluluksa para sa namatay niyang asawa. Hanggang sa nawalan na rin siya ng hininga at pahandusay na bumagsak sa walang buhay na katawan ng puting pusa. Namatay sa araw na iyon ang pusang animo tigre ang hitsura. Namatay siya at hindi na nabuhay muli.
_______________________________
* This Japanese fable penned by Yoko Sano is translated to English by my good friend Rieko Semba and to Filipino by yours truly. Ms Semba was first introduced to the Philippine society in 2006 when she took part in a three-week Japanese students’ immersion stint in Ifugao. Since then, she’d been coming yearly to the Philippines until she eventually decided in February 2008 to discontinue for a year her undergraduate studies at Rikkyo University (Tokyo) so to be a full-time volunteer in two shelters for street children in Quezon City and in a nationwide peasants’ organization based in Calauan, Laguna. Ang Pusang Namuhay ng Isang Milyong Beses is the latest story she has read during her week-long sojourn to the country last May 2012 to the wards of Silong Tanglaw (a shelter for boys located at Araneta Avenue, Quezon City) and to the children of some peasants in Cavite and Laguna.